LAWRENCE LENT/HOLY WEEK PLAYLIST

Welcome Note


I made this widget at MyFlashFetish.com.

Wednesday, June 17, 2009

Sa Dulo ng Aking Paghihintay- Ni Charry Sarmiento


Sa dalampasigan na ating tagpuan
Sumaksi sa wagas na pag-iibigan
Saksi sa kahapon ng kaligayahan
Bukas, na binabalot ng kalungkutan

Tila kahapon lamang ng magpaalam
Yaring pusong nawalan ng pakiramdam
Luha sa iyo ang aking iniwan
Maging mga anghel ay di ka mapatahan

Patawarin mo sana ako mahal ko
At ako ay na una na sa iyo
Si bathala marahil ay may plano
Walang nakaaalam kung ano

Iyong palatandaan, ako'y narito
Pinapanood pag-usad ng araw mo
Marahil wala nga ako sa tabi mo
Subalit dama kong lahat ng paghihirap mo

Dumating ang oras na aking hinihintay
At sa wakas tayo ay di na mawawalay
Bumalik ako doon sa ating tagpuan
upang magsama na tayo ng tuluyan

Hanggang sa dulo ng aking paghihintay
Tayo ngayo'y magkahawak ng tuluyan
Patungo doon sa pook na dalisay
Makakamit ang walang hanggang buhay.